Naglaan ng P7M ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) bilang tulong sa mga Overseas Filipino Workers na naapektuhan ng covid-19 lockdowns sa Shanghai, China.
Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, na nasa 500 hanggang 600 OFW’s sa nasabing lungsod ang nakatakdang makatanggap ng S200 na food assistance, at makakakuha naman ng karagdagang S200 ang mga tinamaan ng COVID-19.
Nasa 500 hanggang 600 OFWs aniya ang nakipag-ugnayan sa konsulado para humingi ng tulong.
Sinabi pa ni Cacdac na nagsagawa rin ang OWWA ng mental wellness seminar upang matulungan ang mga pinoy na apektado ng umiiral na lockdowns sa Shanghai.