Dumipensa ang Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA) kaugnay sa pagkakaroon ng café sa central office nito sa Pasay City.
Paliwanag ni OWWA Deputy Administrator Attorney Honey Quiño na ang nasabing café ay para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) na nagtutungo sa kanilang tanggapan upang mag-asikaso ng kanilang kinakailangan sa trabaho.
Nilinaw rin nito na libre ang kape na iniaalok sa nasabing café para sa mga OFW.
Sinabi pa ni Quiño na layon din nito na maipadama sa mga OFW ang pagiging VIP.