Nanawagan sa mga kaanak ng overseas filipino workers ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na huwag gawing automated teller machines o atm ang kanilang mga mahal sa buhay na nagtatrabaho sa ibang bansa.
Ayon kay OWWA Chief Arnell Ignacio, ang kinikita ng mga ofws na nagsasakripisyo at nagbabanat ng buto sa ibayong dagat ay kanilang pinaghihirapan kaya dapat na mas unawain at iparamdam sa kanila ang compassion at pagmamahal.
Sinabi ni Ignacio na bago pa man siya maging artista at marating ang kaniyang posisyon sa ahensya, nasubukan niya ring magtrabaho sa ibang bansa kaya alam niya ang hirap at sakripisyo ng mga ofws.
Sa kabila nito, tiniyak ni Ignacio ginagawa nila ang lahat upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga ofws partikular na ang mga nakararanas ng depresyon at pagmamaltrato sa kani-kanilang mga amo.