Nangako ang OWWA o Overseas Workers Welfare Administration na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng OFW na si Joanna Demafelis.
Matatandaang natagpuan ang katawan ni Demafelis sa isang freezer sa loob ng abandonadong apartment sa Kuwait.
Ayon kay OWWA Administrator Hans Cacdac ay nagsasagawa na ng man – hunt operation laban sa mga employer ni Joanna na sinasabing nasa Syria.
Inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa mga dating amo ni Joanna.
Nakikipag ugnayan na rin aniya ang OWWA sa Kuwaiti government para maibalik ang natitira pang mga bagay na pag aari ng nasawing OFW.
Una nang pinabalik sa bansa ang OWWA welfare officer na hindi umaksyon sa kaso ni Demafelis.