Tiniyak ng OWWA o Overseas Workers Welfare Administration na pananagutin ang recruitment agency na responsable sa pagpapadala ng mga underage na overseas Filipino workers sa Saudi Arabia.
Ito ay matapos mailigtas ng Philippine labor officials ang anim na menor de edad na OFW na minamaltrato umano ng kani-kanilang amo sa Saudi Arabia.
Ayon kay Owwa Administrator Hans Leo Cacdac, otomatikong makakansela ang lisensya ng mga recruitment agency na mapatutunayang nagpadala ng mga underage o mga may edad dalawampu’t tatlo pababa na mga OFW sa nabanggit na bansa.
Maaari rin aniyang parusahan ang mga opisyal ng mga nasabing recruitment agency at atasang bayaran ang mga underage na mga manggagawa.
Nangako rin si Cacdac na idudulog sa Saudi labor office ang kaso ng mga minaltratong menor de edad na OFWs.