Nangnganib na ma bankrupt ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa susunod na taon kung magtutuloy tuloy pa ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa kanyang pagharap sa hearing ng Senate Committee on Labor, sinabi ni OWWA Administrator Hans Cacdac na posibleng wala ang P1-B ang matira sa trust fund ng OWWA sa pagtatapos ng 2021.
Sinabi ni Cacdac na mahigit sa P19-M ang pera ng OWWA sa pagsisimula ng taon subalit napakalaki na ng nabawas dahil sa assistance na ibinibigay sa mga Overseas Filipino Worker’s (OFW)’s na nawalan ng trabaho o kaya ay na istranded sa ibang bansa.
Bumagsak na rin anya ng mahigit sa 46% ang koleksyon ng ahensya kayat hindi na ito halos nadadagdagan.
Ayon kay Cacdac, simula lamang nuong Marso 15 ay mahigit na sa isang bilyon ang nagamit ng ahensya para sa pagkain, accomodation, shelter, at transportation assistance sa mga OFW’s.
Malaking bahagi anya nito ang nagamit sa mga hotels na nagsilbing quarantine area para sa mga umuwing OFW’s.
Ang mga susunod na araw anya ay kailangan na rin nilang maglabas ng pondo para sa cash subsidy at scholarship ng mga anak ng mga OFW’s na nawalan ng trabaho.