Tiwala ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na maaabot nila ang isang linggong palugit na ibinigay ng Pangulong Rodrigo Duterte para mapauwi sa kani-kanilang lalawigan ang may 24,000 Overseas Filipino Workers (OFWs).
Matatandaan na halos dalawang buwan na mula nang makauwi ng bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay maraming OFWs pa rin ang nananatili sa mga quarantine facilities sa Metro Manila.
Ayon kay OWWA Administrator Hans Cacdac, umabot na sa 7,459 ang kanilang napauwi sa nakalipas na dalawang araw.
Daan-daang bus anya ang kanilang gamit at umabot na sila sa 40 chartered flights.
Samantala, mamayang gabi anya ay sisimulan na ang paggamit ng barko para mapauwi ang mga taga-Cebu at Cagayan De Oro.