Nakararanas na ng “oxygen scarcity” ang india dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay sa ulat, mayroon na lamang dalawang tangke ng liquid oxygen ang gumagana sa Mr. Sethia’s Hospital and Research Centre sa Bhiwandi.
Sa limampung kama umano ng naturang ospital, 44 dito ang okupado na ng mga pasyenteng may COVID-19.
Sinubukan na rin umano ng pagamutan na tumawag sa 10 dealers at apat na ospital upang magpasaklolo ng karagdagang oxygen tank ngunit bigo ito.