Nag-iimbak naman ang Health Department ng suplay ng mga oxygen tanks para sa posibleng pagsirit ng kaso ng COVID-19 dahil sa Delta Variant sa bansa.
Ayon kay Health Secretray Francisco Duque III, sinumulan nila ang paghahandang ito ng makita sa India na maraming pasyente ang hidni nabigyan ng oxygen dahil sa kawalan ng suplay ng mga ito.
Dagdag ni Duque, nakikipag-ugnayan na rin ang kagawaran sa mga lokal na pamahalaan para mag-imbak ng oxygen.
Sa kasalukuyan, hindi pa masabi ng DOH ang eksaktong bilang ng kanilang suplay ng kanilang oxgen tanks.
Bukod dito, ipinabatid ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nagsagawa rin sila ng inventory at nakita na may sapat na suplay na ang mga ito ng oxygen sa mga ospital.