Suportado ni Oyo Boy Sotto ang kanyang asawang si Kristine Hermosa sa lahat ng ginagawa nito.
Kaya naman nang mag-comment ang isang netizen sa Instagram kung bakit ayaw nitong payagan si Kristine na mag-teleserye, agad sumagot si Oyo na hindi niya pinipigilan ang kanyang asawa.
Aniya, mismong ito ang nag-desisyon na mag lie-low sa showbiz para tutukan ang kanilang lumalaking pamilya.
May mangilan-ngilan namang project na ginagawa si Kristine tulad ng isang sitcom kasama si Oyo at ang paminsang pelikula kasama ang asawa at biyenan na si Vic Sotto.
By Rianne Briones
Photo: Screengrab from osotto / Instagram