Nilinaw ni Chief Inspector Jovie Espenido, hepe ng Ozamiz City Police na hindi droga ang nilulon ni Vice Mayor Nova Princess Parojinog.
Ayon kay Espenido, isang papel na listahan ng mga drug transaction ng pamilya Parojinog ang inilagay ng bise alkalde sa kanyang bibig nang salakayin ng mga pulis ang bahay nito noong Linggo ng madaling araw.
Hawak na anya ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang naturang papel bilang isang matibay na ebidensya sa nagpapatuloy na imbestigasyon kaugnay sa pagkakasangkot ng mga Parojinog sa illegal drugs trade.
Magugunitang nakunan pa ng cellphone video ang paglulon ni Parojinog sa sinasabing listahan.
By Drew Nacino