Inilagay na sa lookout bulletin ng Bureau of Immigration (BI) si Ozamiz City Councilor Ricardo “Arthur” Parojinog matapos ang limang araw matapos ang isinagawang raid ng PNP – CIDG o Philippine National Police – Counter Intelligence Task Force sa bahay ng mga Parojinog noong Linggo na ikinasawi ni Ozamiz Mayor Reynaldo Parojonog Sr. at 15 iba pa.
Ito ay makaraang ipag-utos ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa BI na i-monitor ang anumang pagtatangkang paglabas ng bansa ni Parojinog.
Si Ricardo ay wala sa kanyang tahanan na kasama sa 6 na search warrant ng PNP kung saan nakuha sa bahay nito ang ilang drug paraphernalia at matataas na uri ng armas.
Ang batang Parojinog ay nakatakda pa lamang sampahan ng kaso ng PNP.