Pumalo na sa P 1.2 -B ang pinsalang iniwan ng bagyong Karding sa sektor ng agrikultura at imprastruktura ng Bulacan.
Ayon kay Daniel Fernando, gobernador ng bulacan, ang distritong pinaka-naapektuhan ng bagyo ay ang Doña Remedios Trinidad, San Ildefonso, San Miguel, at San Rafael.
Kasama sa datos ang P 10-M na nawala sa livestock ng lalawigan, maging ang P 400 -M Nasirang pananim na nakaapekto sa 3,000 pamilya.
Samantala, inamin pa ni Fernardo na hindi pa sila nagdedeklara ng state of calamity dahil kailangan pang malaman ang kabuuang damage na idinulot ng bagyo sa Bulacan.
Sa ngayon, humihingi na ng suporta sa gobyerno ang Bulacan dahil kapos na ang kanilang budget para sa taong ito.