Aprubado na sa third and final reading ng Kamara ang 1.61 billion supplemental budget para sa mga nabakunahan ng Dengvaxia.
Ito ay matapos na sertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang House Bill 7449 kahapon.
Kaya naman nagkaisa ang mga mambabatas sa botong 231, walang tumutol at nag abstain para maipasa ang naturang panukalang batas.
Sa ilalim House Bill 7440, walumpu’t isang porsyento ng naturang halaga ay ilalaan para mabigyan ng medical assistance ang 900,000 mga batang mabiktima ng Dengvaxia.
Labing tatlong (13) porsyento ng pondo ay laan para sa public health management kasama na ang assessment at monitoring ng mga supplies at gamot habang ang natitirang anim na porsyento ay para sa deployment ng mga health workers sa buong bansa.
—-