Sinunog ng mga otoridad ang may 1.77 Bilyong Pisong halaga ng iligal na droga sa Cavite.
Pinangunahan nina PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa at PDEA Director General Isidro Lapeña ang panununog ng mga nakumpiskang illegal drugs sa Trece Martirez.
Kabilang sa mga sinunog ay ang 400,000 gramo ng Shabu, Cocaine, Ketamine, Marijuana, Ephedrine, Pseudoephedrine at mga expired na gamot.
Kasama rin dito ang 66,000 millilitres ng Liquid Shabu na nakumpiska ng mga otoridad sa unang 10 araw ng Duterte Administration
By: Meann Tanbio