Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte ng P 120-bilyong budget para sa sektor ng agrikultura sa susunod na limang taon.
Ayon kay Agrarian reform secretary Rafael Mariano, bibigyang prayoridad ng administrasyong Duterte sa pambansang budget ang mga magsasaka.
Sinabi ni Mariano na mismong si budget secretary Benjamin Diokno ang nagbigay ng katiyakan matapos ang isinagawang forum for agrarian reform benefeciaries na ginanap sa Davao city.
Kaugnay nito, ipinabatid ni Diokno na kabuuang P 46-bilyon ang inilaan sa Department of Agriculture para sa research and development, market expansion, agricultural at fisheries support, at ang konstruksyon ng farm-to-market road.
Si Diokno ay miyembro ng presidential agrarian reform council executive committee.
By Meann Tanbio