Inamin ng National Irrigation Administration (NIA) na pumalo na sa P200-M ang halaga ng pinsala sa irigasyon ng bansa dahil sa Bagyong Paeng.
Ayon kay NIA Administrator Benny Antiporda na mas malaki ang danyos sa Mindanao.
Patuloy pa aniyang pumapasok sa kanila ang mga ulat kaugnay sa mga napinsalang irrigation system dulot ng bagyo.
Ngunit tiniyak ni Antiporda na magpapatupad sila ng mga remedy o pagtugon upang matiyak na magtutuloy-tuloy pa rin ang kanilang operasyon at paghahatid ng kanilang serbisyo sa mga sakahan.
Paliwanag ni Antiporda, hinihintay na lamang nila ang pondo upang maisaayos ang mga pinsalang iniwan sa irrigation system ng bansa.
Maliban dito, titiyakin din aniya ng nia na sa mga isasagawa nilang pagsasaayos ay magiging matatag ang mga ito laban sa kalamidad.—ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)