Nakatakdang magpanukala ang Department of Budget and Management o DBM ng P 3.35-Trillion National Budget para sa taong 2017.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, ang Proposed 2017 Budget ay mas matas ng 11.6 percent mula sa kasalukuyang pambansang budget.
Ilalaan ang malaking bahagi ng 2017 National Budget sa Department of Education, DSWD at Department Of Health.
Tiniyak ni Diokno na ang budget sa ilalim ng Duterte Administration ay mahigpit na tatalima sa ruling ng Korte Suprema patungkol sa Disbursement Acceleration Program o DAP.
By: Meann Tanbio