Nakapamahagi na ng P88 – M na tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga komunidad sa Visayas at Mindanao na binaha.
Bilang pagtalima ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa gitna ng patuloy na epekto ng Low Pressure Area (LPA) at shear line sa ating bansa.
Ayon kay Undersecretary Edu Punay, officer-in-charge ng DSWD, kabilang sa mga ipinamahagi ang food, non-food at emergency cash assistance.
Sa huling tala ng DSWD, 378 na ang evacuation centers na mayroon ang dalawang rehiyon na pansamantalang tinutuluyan ng 105,500 indibidwal.
Sa kabila naman ng sitwasyon, sinabi ni Punay na mayroon pa ring P 1.2 – B na available na stockpiles at quick response fund ang DSWD na handa nilang ipamahagi.
Ang Eastern Visayas, Zamboanga peninsula, at Northern Mindanao ang pinakanasalanta ng pagbaha kung saan 1.8 milyong indibidwal ang apektado.