Pinagko-komento ng P.E.T Presidential Electoral Tribunal si Vice President Leni Robredo sa apela ni dating Senador Bongbong Marcos na mabaligtad ang unanimous decision na nagbabasura sa kanyang 2016 election protest.
Ayon kay Atty. Brian Keith Hosaka, spokesperson ng Korte Suprema mayroong sampung araw si Robredo para maghain ng kaniyang sagot sa usapin.
Sa kanyang motion for reconsideration, iginiit ng dating senador na ang kanyang ikatlong hakbangin, ang annulment ng 2016 election results para sa Vice President sa Lanao Del Sur, Basilan at Maguindanao ay uubrang magtuloy-tuloy at hiwalay mula sa manual recount at judicial revision.
Hinimok ni Marcos ang P.E.T na isulong ang paglalatag ng ebidensya sa harap ng isang special committee.
Hiniling din ng dating senador sa P.E.T na atasan ang COMELEc na magsagawa ng technical examination sa lagda ng mga botante na nasa election day computerized voters’ list kumpara sa mga pirmang lumabas sa voters registration records sa mga pino protesta nitong clustered precincts.