Mararamdaman na ngayong Setyembre ng mga customers ng MERALCO ang P0.57 sentimo kada kilowatt hour na tapyas sa singil sa kuryente.
Ayon kay Michael Garcia, Corporate Communications Associate ng MERALCO, ito na ang pinakamalaking tapyas sa singil sa kuryente ng MERALCO sa nagdaang 5 taon o mula January 2010.
Umabot na aniya sa P2.13 sentimo kada kilowatt hour ang naibawas nila sa singil sa kuryente sa nagdaang limang buwan.
Sinabi ni Garcia na sa nagdaang limang buwan, limitado ang kinuha nilang suplay ng kuryente sa WESM o Wholesale Electricity Spot Market dahil maayos ang takbo ng mga planta ng kanilang suppliers.
“Kasi ‘yung sa WESM mas masasabi nating mas may kamahalan kumpara sa mga planta na ito, pati ‘yung krudo o ‘yung natural gas na ginagamit ng Sta. Rita at San Lorenzo Power Plant nagbaba ‘yung halaga, maliban sa generation charge, nagkaroon din ng pagbababa sa taxes at iba pang mga charges.”Pahayag ni Garcia.
By Len Aguirre | Ratsada Balita