Inaprubahan na ng pamahalaan ang karagdagang 1.04 billion pesos special allotment release order para sa Special Risk Allowance ng mga eligible health workers.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), sakop ng nasabing pondo ang hindi pa nababayarang COVID-19 SRA claims ng 55,211 health workers.
Ang mga ito ay tatanggap ng 5,000 pesos kada buwan para sa period ng State of National Emergency.
Ang paglabas ng sra ay bilang pagsunod sa Bayanihan to Recover as One Act na pinalawig hanggang June 30, 2021.
Nabatid na ang SRA ay pinalitan ng Health Emergency Allowance (HEA), na nagsasaad na ang halaga ng benepisyo ay nakadepende sa sumusunod na risk levels:
Para sa mga health workers na nasa “low risk areas” makatatanggap ang mga ito ng 3,000 pesos.
6,000 pesos naman para sa mga naka-deploy sa “medium risk areas” habang 9,000 pesos sa mga nasa “high risk areas”
Tiniyak naman ng DBM na makikipag-ugnayan ito sa Department of Health (DOH) para matanggap ng mga naturang indibidwal ang kanilang benepisyo.