Ini-award na ng Supreme Court sa gobyerno ng Pilipinas ang mahigit P1-B halaga ng temperate damages kasabay ng pagpapatibay sa desisyon ng Sandiganbayan laban sa yumaong Marcos crony na si Herminio Disini.
Kaugnay ito sa mga anomalya sa na-tenggang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) kung saan si Disini ang nagsilbing broker sa American nuclear power company na Westinghouse electrical corporation.
Unanimous sa botong 12 – 0 ang naging pasya ng Korte Suprema kung saan dalawang mahistrado ang nag-inhibit.
Bukod sa P1-B pinagbabayad din si Disini ng P1-M bilang exemplary damages.
Pinsan ni dating first lady Imelda Marcos ang asawa ni Disini na si Paciencia, na naging personal physician ng dating presidential family.
Batay sa mga isinumiteng ebidensya, malinaw na tumanggap si Disini ng $50-M na komisyon mula sa Westinghouse kaya’t may karapatan ang gobyerno na humingi ng kabayaran mula sa akusado. — Sa panulat ni Drew Nasino.