Nagbayad na ng P1.2-B sa mga quarantine hotels at iba pang providers ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Bilang kabayaran ito sa pag-asikaso sa mga returning Overseas Filipino Workers (OFWs) ngayong COVID-19 pandemic.
Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, tuloy-tuloy ang pagbayad para sa gastos sa food at transport providers.
Una nang nagbayad ang Department of Budget ang Management (DBM) na P1.7-B
Sa Abril susunod na magbabayad ang DBM para sa gastos ng mga hotels. – sa panulat ni Abby Malanday