Aabot sa halos P1.2 million na halaga ng damit na ukay-ukay ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Customs (BOC) sa Matnog Port, Sorsogon.
Ayon sa mga otoridad, nakumpiska ang mga hindi dokumentadong kagamitan matapos isagawa ang operasyon sa nabanggit na lugar.
Nabatid na nasa apatnaput isang bundle ng mga damit ang nakuha mula sa loob ng isang puting pampasaherong van kung saan, nilabag nito ang Republic Act No. 4653 o ang batas na nangangalaga sa dignidad at kalusugan ng publiko.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng BOC ang mga nakumpiskang damit maging ang sasakyang ginamit ng mga salarin habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad.