Arestado ang dalawang indibidwal matapos ang ikinasang buy-bust operation ng otoridad sa Barangay Rizal, Makati City.
Ayon sa imbestigasyon, nagpanggap na buyer ang isang pulis kung saan nasamsam sa mga suspek na sina alyas ‘Tatay’ at alyas ‘omar’ ang higit isang milyong pisong (p1.3-M) hinihinalang shabu.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Ra 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.—sa panulat ni Airiam Sancho