Tinaya sa P1.3 trilyong piso ang tagong utang ng administrasyong Aquino.
Sa findings ng Commission on Audit (COA), kabilang sa hindi ini-report ang iba’t ibang build lease transfer projects sa ilalim ng private-public partnership at liabilities mula sa mga Government-Owned-Control Corporation at Government Financial Institution.
Ang kabiguang sa pagdedeklara ng mga utang ay isang paglabag sa polisiya ng transparency na isinasaad sa section 7, article 3 at section 28, article 2 ng konstitusyon.
Tanging P470.8 billion pesos ang idineklarang liabilities ng pamahalaan sa ilalim ng National Government Direct Guarantee on GOCC Loans.
By Drew Nacino