Naipagkaloob na sa mga Healthcare Worker (HCW) ang 1.4 billion pesos na halaga ng special risk allowance ngayong taon.
Ayon kay Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, tintayang 73,700 HCW ang nakinabang sa nasabing allowance.
Nasa 27,000 benepisyaryo naman anya ang nakatanggap ng kanilang COVID-19 sickness at death compensation na nagkakahalaga ng 421 million pesos.
Aabot naman sa 12 billion pesos na health emergency allowance o One COVID-19 allowance ang naipagkaloob na sa mahigit isang milyong eligible healthcare workers at non-healthcare workers.
Samantala, sinabi ni Vergeire na nakikipag-ugnayan na ang DOH Sa Department of Budget and Management (DBM) para sa karagdagang pondo at benepisyo. – sa panunulat ni Hannah Oledan