Nakahanda na ang P1.4 billion peso funds ng Department of Social Welfare and Development bilang tulong sa mga apektado ng Bagyong Rosal.
Ito ang tiniyak sa publiko ni DSWD secretary Erwin Tulfo matapos makaranas ng pagbaha bunsod ng malakas na ulan dulot ng bagyo ang ilang taga-Bicol at Eastern Visayas.
Ayon kay Tulfo, bukod sa pondo mula sa kanilang Central Office, Field Offices at National Resource Operations Center, handa rin ang 547,000 family food packs upang ipamahagi sa mga local government unit.
Magbibigay din anya ang kagawaran ng technical at resource assistance sa mga LGU na apektado.