Nasabat ang mahigit P1.4M na halaga ng shabu sa isinagawang search warrant operation sa Maura, Appari, Cagayan.
Kinilala ang mga suspek na sina Rolando Uri, 52-anyos, Mila Malana, 50-anyos at Michael Uri, 30- anyos, kapwa residente ng nabanggit na lugar.
Ayon kay Police Major Jefferson Mukay, hepe ng Aparri Police Station, narekober ang 60 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets ng shabu na may timbang na 298grms.
Kabilang din dito ang pinatuyong dahon at fruiting tops ng marijuana.
Kasalukuyan ng nakapiit na ang mga suspek sa Appari Police Station.
Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act of 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong suspek. —sa panulat ni Jenn Patrolla