Target ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maipamahagi ngayong linggo ang ayudang pinansyal ng pamahalaan na nagkakahalaga ng P1.5-bilyon sa mga manggagawang apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon.
Ayon kay DOLE secretary Silvestre Bello III, nauna nang nakapamahagi ng aabot sa P441-milyong cash assistance para sa lahat ng mga manggagawang apektado ng lockdown.
Maliban pa aniya sa tulong pinansyal ay naglulunsad din umano sila ng iba’t ibang programa na makatutulong mga manggagawang nawalan ng hanap-buhay.
Gaya na laamang umano ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage or Displaced Workers (TUPAD) Program.