Aabot sa P1.5 billion ang pondong iiwan ni outgoing Malabon City Mayor Antolin “Lenlen” Oreta III sa susunod na administrasyon matapos ang halos 10 taon niyang pamumuno sa lungsod.
Ayon sa Alkalde, mula sa dating P400 million noong taong 2012, lumobo ang kabuuang koleksiyon ng buwis sa P1.5 billion para sa iba’t ibang proyekto kabilang na ang patuloy na pag-unlad at pagtugon sa “Promise Agenda” o ang Poverty Reduction, Organizational, Management Infrastructure Scheme at Environment Agenda.
Nabatid na mula noong taong 2012 hanggang 2021, lumago ng 200% ang lokal na kita ng lungsod sa gitna ng pandemya.
Ipinagmalaki ng Alkalde na tama at responsibleng nagamit ang mga hiniram na halaga ng pondo.
Siniguro din ni Oreta na hindi kailangang taasan ang buwis para mabayaran ang hiniram na pondo mula sa pambansang pamahalaan.