Nilamon ng apoy ang 1.5 milyong pisong halaga ng mga ari-arian sa naganap na sunog sa isang residential area sa Oroquieta St. at Lope de Vega St. sa Sta. Cruz, Maynila.
Ayon sa Manila-Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa ika-anim na palapag ng bahay ng isang Josie Gerodiaz.
Pasado alas-7:00 ng kagabi nang magsimula ang sunog at idineklara itong fire out kaninang alas-3:01 ng madaling araw.
Tinatayang 200 bahay at 500 pamilya ang apektado ng sunog habang anim katao rin ang naitalang sugatan.
Inaalam pa ng Manila-BFP kung ano ang naging sanhi ng pagsiklab ng apoy.