Aabot sa P1.5-M na halaga ng hinihinalang marijuana ang nakumpiska sa tatlong lalaking sakay ng isang sports utility vehicle sa La Trinidad, Benguet.
Nadiskubre ang hinihinalang marijuana matapos sitahin ang mga ito dahil sa ilegal parking sa bahagi ng diversion road.
Ayon kay Police Maj. Roldan Cabatan ng La Trinidad Municipal Police Station, kinuwestiyon nila ang laman ng nasabing sasakyan at sinabi ng mga sakay nito na repolyo lamang ang nasa kotse.
Ngunit nang kanila umanong inspeksyunin ang nasa loob ng sasakyan ay nakita nila ang mga hinihinalang dried marijuana leaves.
Depensa naman ng driver ng SUV, binayaran lamang sila ng hindi nila kilalang tao para umano mag-deliver ng mga ito.
Dahil dito, nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.