Nasabat ng mga otoridad ang aabot sa P1.5-M halaga ng marijuana sa isang lalaking drug pusher matapos ikasa ang anti-drug operation sa Tuguegarao City, Isabela.
Kinilala ang suspek na si Arjee Villaluan alyas “Takki” 31-anyos na inaresto matapos magbenta ng dahon ng marijuana sa isang tauhan ng PDEA.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 2, Nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa iligal na gawain ng suspek dahilan para magsagawa sila ng operasyon sa nabanggit na lugar.
Nakuha sa suspek ang limang bricks ng marijuana, marked money, at isang sumpak na may kargang dalawang bala.
Nakakulong na ngayon si Villaluan na nahaharap sa kasong Republic Act RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition at Omnibus Election Code.