Himas rehas ang mag-asawang suspek matapos makuhanan ng P1.5M halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Subic, Zambales.
Kinilala ang mag-asawa na sina Alyas Jun Marzan, 35-anyos, at ang kalive-in partner nito na 34-anyos na hindi na pinangalanan ng ahensya.
Ayon kay Zambales Police Director Col. Fitz macariola, matagal nang isinailalim sa surveillance ang mga suspek na nakuhanan ng 24 piraso ng transparent sachet ng hinihinalang shabu, na may timbang na 22.7 grms.
Nasa kustodiya na ng Subic Police ang mag-asawa at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.