Nakumpiska ng mga tauhan ng Naga City Police Office (NCPO ang nasa 1.7-M halaga ng shabu sa dalawang bigtime drug personalities sa Greenfield St. Zone 5B, Barangay Penafrancia sa nabanggit na lalawigan.
Kinilala ang mga suspek na sina Jonathan Fabi, 32-anyos at Herber Endaya na inaresto matapos magpanggap ang isang poseur buyer na bibili ng dalawang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet sa mga suspek sa halagang P150-K.
Nakumpiska sa mga suspek ang tig-isa pang knot tied ice plastic bag na pinaniniwalaang naglalaman ng shabu at may timbang na tig-100 gramo na may street value na 680-K.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Repulic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nahuling suspek. —sa panulat ni Angelica Doctolero