Aabot sa P1.7-M halaga ng droga ang nasabat ng Philippine National Police sa isang buy-bust operation sa Davao City.
Kinilala ang naaresto na isang 47-anyos na lalaki sa Taal 1, Barangay Talomo Proper.
Nakumpiska rito ang 11 medium-sized na pakete at isang big-sized na pakete ng mga umano’y shabu.
Nakatakas naman ang kasama ng suspek na pinaghahanap na ngayon ng pulisya.
Sasampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang salarin.