Ikinatuwa ng mga healthcare worker sa Bicol ang inilaang P1.85B pondo na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga hindi pa nakatatanggap ng Special Risk Allowance o SRA.
Ayon kay Dr. Eric Raborar ang Medical Chief Bicol Regional Training and Teaching Hospital, hindi nila inaasahan na mabibigyan sila ng nasabing insentibo dahil marami umano sa kanila ang hindi pa nakatanggap ng SRA mula sa gobyerno.
Sinabi ni Raborar na malaking tulong ang perang ibibigay ng gobyerno para mapataas ang moral ng mga Medical worker sa gitna pandemya. —sa panulat ni Angelica Doctolero