Nasa P1.8 billion na halaga ng iba’t ibang klase ng kalakal, kabilang ang lokal at imported na mga asukal, ang nadiskubre ng bureau of customs sa sorpresang inspeksyon sa isang bodega sa Nasugbu, Batangas.
Inilunsad ng BOC ang inspeksyon sa bodega ng Central Asucarera Don Pedro sa Barangay Lumbangan.
Nadiskubre ng ADUWANA ang tinatayang 181,000 sacks ng imported na brand ng pure refined sugar mula Thailand at 197,590 sacks ng lokal na Don Pedro White Sugar na tumitimbang ng 50 kilo bawat isa.
Pansamantala namang ikinandado ang nasabing bodega upang siguraduhin na walang makakapasok at makakalabas dito.
Ito na sa ngayon ang isa sa pinaka-malaking operasyon na isinagawa ng customs simula nang ilarga nila ang pag-i-inspeksyon sa mga imbakan ng asukal noong Agosto.