KAHIT may pandemya, tuloy-tuloy ang modernisasyon ng distribution company na More Electric and Power Corporation (More Power) sa Iloilo City kung saan ramdam na ng mga Ilonggo ang ibinuhos na P1.9B investment ng kumpanya para matiyak ang maayos na power supply sa lalawigan.
Ayon kay More Power President Roel Castro sa nakalipas na 2 taon ay naging abala ang kumpanya sa rehabilitation works kasama na dito ang pagpapalit ng mga lumang electric meters, electric poles, transformers at conductors gayundin ang paglalagay ng mobile substation sa Iloilo Business Park, pagsasaayos ng mga substations at konstruksyon ng switching stations. Sa kabuuan ay nasa 1,715 poles, 559 distribution transformers, 21,802 electric meters.12.98 km primary line at 15.98 km secondary line ang napalitan, nakapaglagay din ng mga equipment gaya ng Rubber Insulator, Automatic Circuit Reclosers (ARCs) at Load Break Switches (LBS) upang maiwasan ang nangyayaring brownouts.
Sinabi ni Castro na sa pamamagitan ng itinayong 69 kilovolt transmission ng More Power sa Brgy. Banuyao, La Paz district ay direkta na itong nakakakuha ng mas murang geothermal power supply mula sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM) at ang resulta nito ay pagbaba sa power rate na sinisingil sa consumer na nasa P6.2071/kWh mula sa dating P13/kwh. “With More Power, the electricity rate of Iloilo City is lower compared to other private distribution utilities and electric cooperatives in the country”pahayag ni Castro.
Ipinagmalaki rin ng More Power na pinakamababa ang system loss na sinisingil sa mga consumers na nasa 6.98 percent, resulta ito ng pinalakas nilang kampanya na Oplan Valeria laban sa illegal electrical connections o jumper.
“ 1,549 operations involving illegal connections,of the figure, 1,449 were sent with demand letters while 122 cases have so far been filed against power pilferers”ani Castro. Maganda din ang consumer service ng kumpanya dahil 10 hanggang 15.