Ikinasa na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang P1-bilyong ayuda para sa mga maliliit na negosyo sa bansa na naapektuhan ng enhanced community quarantine.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, maaaring makakuha ng pondo ang mga micro, small and medium scale enterprises sa ilalim ng enterprise rehabilitation financing program.
Agad anyang sisimulan ang programa sa sandaling matanggal na ang ECQ para muling makapagsimula o makapag-restock ang mga maliliit na negosyo.
Ang pondo ay kukunin sa pondo ng pagbabago at pag-asenso ng DTI kung saan pwedeng humiram ang micro enterprise ng mula P5,000 hanggang P200,000 para sa interest na 1.5% kada taon.