Humihingi ang Commission on Elections (COMELEC) ng 1 bilyong piso pa para maidaos ang maayos na eleksyon sa susunod na taon
Sinabi ni COMELEC Chairman Andres Bautista na gagamitin ang nasabing pondo para sa pagbili ng mga kailangan sa transmission ng mga boto.
Nabatid na umaabot sa P500 million pesos ang halagang kailangan para i-transmit ang mga boto mula sa mga presinto patungo sa tabulation centers.
Ayon kay Bautista, ang paggamit ng satellite na pagkakagastusan ng P1 billion pesos ang tanging solusyon para mas mapabilis ang dating 76% transmission rate noong 2013 elections.
By Judith Larino