Humirit ng karagdagang 1.1 bilyong piso na pondo sa Bicameral Conference Committee si Labor Secretary Silvestre Bello III.
Ayon kay Bello, kakailanganin nila ang naturang pondo para sa Department of Labor and Employment o DOLE sa harap ng tensyon sa Middle East.
Sinabi ni Bello na gagamitin ang nasabing halaga para sa posibleng repatriation ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na nasa Qatar, Lebanon at Saudi Arabia.
Sa ngayon ay mayroon aniyang 240,000 na mga OFW sa mga bansang ito.
Binigyaang – diin ni Bello na normal pa naman ang sitwasyon sa Lebanon habang maayos naman ang kalagayan ng mga Pinoy sa Saudi.