Sapat pa ang natitirang isang bilyong emergency fund para sa taong 2022.
Ito ang sinabi ni social welfare undersecretary Edu Punay kasabay ng pahayag na 450 million pesos mula sa isang bilyong piso ay bahagi ng standby funds na nasa kanilang punong tanggapan.
Ayon kay Punay, sapat pa ito para sa isasagawang response efforts ng ahensiya sakali mang may kalamidad pang humagupit sa mga nalalabing araw ng taong 2022.
Kaugnay naman ng bagyong Paeng, sinabi ni Punay na maaga silang nag-preposition ng mga food packs at relief goods at sapat pa ang mga kakailanganing pagkain ng mga residenteng apektado o maaapektuhan ng bagyong Paeng. —mula sa panulat ni Hannah Oledan