Aabot sa P1-B halaga ng pondo ang inilaan ng pamahalaan bilang kompensasyon ng mga biktima ng Marawi Siege noong 2017.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang naturang pondo ay sakop ng 2023 national budget sa ilalim ng P 31-B calamity fund.
Sinabi ni Pangandaman na prayoridad ng administrasyong Marcos ang marawi victims at ang rehabilitasyon sa mga imprastraktura kabilang na ang mga lawful na may-ari ng residential, cultural, commercial structures, at iba pang ari-arian na nasira sa Marawi’s main affected areas na totally o partially damage.
Kasama rin ang mga may-ari ng mga private properties na na-demolish dahil sa implementasyon ng marawi recovery, rehabilitation, at reconstruction program.
Matatandaang taong 2018, unang naglaan ng pondo ang nagdaang administrasyon pero para lamang ito sa rehabilitasyon ng marawi.
Iginiit ni Pangandaman na ang paglaan sa naturang pondo ay patunay lang na prayoridad at hindi nakakalimutan ng pamahalaan ang mga kapatid nating Maranao.