Pinalagan ni Ambassador Marciano Paynor, Director General ng APEC 2015 National Organizing Committee ang di umano’y P1 bilyong pisong pagkalugi ng mga airlines dahil sa APEC Summit.
Ayon kay Paynor, isang buong taon ang kabuuan ng APEC Preparatory Meetings sa iba’t ibang lugar sa bansa kaya’t malaki na ang kinita ng airlines bago pa sumapit ang leaders summit ngayong Nobyembre.
Binigyang diin ni Paynor na ang P10 bilyong pisong ginastos ng gobyerno sa APEC Summit ay naibalik rin sa pag-ikot ng ekonomiya ng bansa.
Tinukoy ni Paynor ang napakaraming hotels, restaurants, transportasyon at iba pa na kumita dahil sa APEC Summit.
“Ang mga transport equipped na nag-provide ng equipment dito, lahat ng mga fuel na ginamit natin dito, lahat po yaan ay binayaran ng gobyerno yan, therefore if you look at it in economic term, the government put in 10 billion into the economy and did not spend it.” Pahayg ni Paynor.
By Len Aguirre | Karambola