Mahigit sa P1-B ang inilaan ng DOH o Department of Health para kalusugan ng pag-iisip o problema sa pag-iisip ng mga Pilipino.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, ang pondo ay gagamitin nila upang maisa-ayos ang iba’t ibang mental health facilities sa iba’t ibang panig ng bansa.
Maliban pa ito sa P100-M budget para sa pagbili ng mga gamot para sa problema sa pag-iisip.
Sinabi ni Ubial na plano nilang gawing nationwide ang sinimulan nilang community based mental health programs sa mga lugar na sinalanta ng Yolanda.
Sa ilalim anya ng programa ay isasalang sa training ang mga health officers sa mga bayan at lalawigan upang sila na ang magsagawa assessment sa pag-iisip ng pasyente at kung kinakailangan ay maglaan na rin ng gamot.
By Len Aguirre