Naglaan ng P1-B pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga displaced workers sa rehiyon ng Cordillera.
Ayon kay DOLE regional Director Nathaniel Lacambra, nasa 164, 841 displaced workers na ang nakinabang sa employment assistance sa ilalim ng Tulong panghanapbuhay sa ilalim ng Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program.
Sa datos ng ahensya noong Mayo a-25, ang lalawigan ng Benguet ang may pinakamalaking disbursement na P80, 827, 250 na may 15,429 na benepisyaryo; sinundan ng Baguio City na mayroong P10, 500, 000 na may 2,000 manggagawa; Apayao na mayroong P9, 891, 000 na may 1,884 na manggagawa; Abra na mayroong P8, 483, 220 na may 1,661 manggagawa; Kalinga na mayroong P3, 126, 590 na may 823 na manggagawa; Ifugao na mayroong P2, 732, 310 na may 770 na manggagawa; at Mt. Province na mayroong P1, 997, 500 na may 565 manggagawa.
Sa ngayon ay nasa kabuuang P1, 156, 762, 644.73 na ang nai-download sa ahensya kung saan, P957, 806, 510.72 na ang naipamahagi sa 164, 841 na benepisyaryo.
Tulong ng gobyerno sa mga displaced workers bilang emergency employment na nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemiya.