Tiniyak ng Malakaniyang na kasado na ang mga programa ng pamahalaan para sa re-population o ang muling pagpaparami sa mga baboy.
Iyan ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod na rin ng walang prenong pagsipa sa presyo ng karne ng baboy sa mga pamilihan dahil sa kakulangan ng suplay nito.
Ayon kay Roque, may nakalaan nang isang bilyong pisong pondo ang gubyerno para rito na makatutulong naman sa mga backyard at semi commercial hog raiser na labis na naapektuhan ng African Swine Flu (ASF).
Kalahating bilyong piso aniya sa mga ito ay inilalaan para sa pautang sa mga backyard hog raisers habang aabot sa P15 milyong naman ang nakalaan para sa commercial hog raisers. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)